New Yorker na Taga Tondo
Characters/Cast:
Kikay – Nagpuntang New York upang mag aral ng cosmetology at hair styling ng sampung buwan atpagbalik nang Tondo, tila walang maalala. Gusto niyang itawag sakanya ay Francesca.
Tony – Kababata nila Kikay, Nena at Totoy. Enhinyero. Nakipag engaged kay Kikay bago umalis patungong New York si Kikay. At nakipag sikretong-engagement rin kay Nena nang hindi nakakausap si Kikay ng matagal.
Totoy – Kababata nila Kikay, Nena at Tony. May matagal nang pagtingin kay Nena.
Nena – Kababata nila Kikay, Totoy at Tony. Nakipag sikretong engagement kay Tony. Simpleng babaeng tiga Tondo.
Mrs. Mendoza / Aling Atang – Nanay ni Kikay
Mr. Mendoza / Mang Roger – Tatay ni Kikay na aliw na aliw sa mga gadgets na pinag bibili niKikay sa America.
SCENE 1:
Mga 10 ng umaga. Kakatok si Tony sa tahanan nila Kikay at bubuksan ng pinto ni Mrs.M.Characters for scene 1: Tony, Mrs. M, Mang Roger
Mrs. M: (habang papalakad sa pinto) Hay Diyos ko, bisita bisita! bisita nanaman! Buong hapon maybisita! Na-ku! I’m beginning to feel like a society matron.
(pag bukas ng pinto, nasa harap si Tony. May dalang bouqet ng bulaklak. tony is 26, dressed to killand is the suave type of guy. sa ngayon, kinakabahan si Tony.)
Mrs. M: O! Tony! Aba'y akala ko'y nasa probinsya ka???
Tony: (Nakatitig) uhh........ ikaw ba yan, aling atang!?!??
Mrs. M: (tumatawa) SIYEMPRE AKO, lokong bata to. Aba'y sino bang inakala mo? Si CARMEN ROSALES!??
Tony: Hi-hindi mo kamukha si alang atang!
Mrs M: (nahihiyang hinimas ang bagong gupit na buhok) Nag pagupit ako.. Ganun ba kapangit??
Tony: Naku hindi! Hindi!! Ang ganda niyo ho, Aling Atang! Sa isang saglit inakala ko'y ikaw si Kikay!Kamukha niyo ho ang anak niyo!
Mrs M: (Naglalarung sinampal si Tony sa pisngi) Ikaw talaga Tony, palikero as ever! Pero pasok ka,pasok ka!! Halika tony, maupo ka!! Nako ayan si Roger, binigyan ni Kikay ng aypad aypad na yan,hindi ngayon mabitaw bitawan!
Tony: Magandang umaga po Mang Roger! (ibinaba ang sumbrero habang bumati)
Mang Roger: (Kumakanta nang wala sa tono)
Mrs M: HOY RODYER!! (Pumunta sa harap ni Mang Roger) Ayan si Tony o, binabati ka!Mang Roger: O! Aba'y si Tony pala 'to eh! Maupo ka iho, anong gusto mo? May tsokoleyt dyan oh,dala ni kikay, nako kaysarap!
Tony: Ah naku, salamat po. E ano ho ba iyang nakasabit sa inyo?
Mang Roger: Alen? Ay eto ba? Pasalubong kamo sakin ni Kikay.. Este PRANSES-KA pala (aysus)Didyital kamira ba.
Mrs M: Itong anak namin, kung ano anong pinagbibili! Itong si rodyer nama'y aliw na aliw!Mang
Roger: (kinakalikot likot ang kamera, iPod atbp.)
Tony: Mukhang nage-enjoy nga po eh.
Mrs. M: (uupo sa katabing upuan ni Tony, at naglalagay ng apron) Eh maiba tayo. Kumusta nanay mo?
Tony: Kawawa nga po eh kasi na-hohomesick siya sa Tondo. Gusto na nga pong bumalik dito.
Mrs. M: Eh, ga’no ka na din katagal lumayo?
Tony: Mga tatlong buwan lang naman po.
Mrs. M: Tatlong buwan!! Naku, ang tagal niyan para sa isang taga-Tondo na mapalayo sa Tondo. Kawawang kumara, inip na inip nay un do’n.
Tony: Alam mo naman po kung ano kaming mga engineer. Kung asan ang trabaho, doon din kami. But as soon as we finish the bridge in Bulacan, babalik din kami agad dito sa Tondo.
Mrs. M: Mabuti, dalhin mo siya pabalik dtio sa lalong madaling panahon. Namiss ko ng makipaglaro ng panguingue sa kanya.
Tony: (tatawa) That’s what she misses most of all.
Mrs. M: Naiintindihan ko siya Tony. Hinding-hindi magiging probinsiyanan ang kamure ko. Lagi ko ngang sinasabi “ Once a Tondo girl, always a Tondo girl”. Pero ewan ko lang kung totoo iyon. Tignan mo kung ano nangyari kay Kikay. Pumunta lang ng Amerika ng isang taon. Tapos sabi pa niya’y ‘di siya nakakaramdam ng homesick.
Tony: (sinimulang kabahan) Ke….kelan po siya nakauwi?
Mrs M: Nung Lunes lang. Hay... nung Lunes lang nakauwi yang batang iyan. At tignan mo kung anong nangyari sa kanya! Pagkakitang pagkakita sakin, nako! Galit na galit! Mukha daw ba naman akong losyang? Ayon, agad-agad akong kinaladkad sa parlor! pinag pedikyur ako, pinaayos ang kilay ko, at pinag selopeyn pa ang buhok ko kamo! Pupunta nga lang ako ng palengke, pinag lilipstick pa ko! Sabi pa niya, dapat daw akong matuto kung paano umasta at magmukhang puti. Dios mio, mukha ba kong Amerikana!?
Tony: (too worried to pay attention) You look wonderful, Aling Atang. E nasaan na siya ngayon??
Mrs M: (caught up in her troubles) Ha? Sino?
Tony: Si Kikay!? Nandito po ba siya?
Mrs M: (snorting) Oo naman.. Eh.. Natutulog pa..
Tony: (sabay tingin sa relo niya) NATUTULOG???
Mang Roger: Ang sabi kasi niya, sa New York daw hindi gumigising ang mga tao bago mag alasdose.
Tony: E 10 o clock palang ngayon eh
Mang Roger: (habang nag p-PSP) Nako, iho busy kasi yun.. Biro mo pag uwi dito-- welcome parties dito, welcome parties doon! Aba'y para nang trumpong umiikot sa buong Maynila yun eh!
Tony: (tumayo at medyo na-aatat) Nako, mauuna nalang ho ako kung ganun, paki banggit nalang po na gusto ko siyang makita at paki abot na rin ho itong mga bulaklak.
Mrs. M: (taking boquet) Nako nako diyan ka lang!!! Wag kang aalis at gigisingin ko na siya para sayo Tony!
Tony: Wag ka na pong mag-abala Aling atang. Pwede naman akong bumalik sa ibang araw.
Mrs. M: (moving away) Hintay ka lang dito. Alam kong magagalak ‘yon na Makita ang kababata niya. At papasalamatan ka pa niya dito sa dalang mong mga magandang bulaklak. Ang ganda nila…at mukhang mamahalin.
Tony: (uupo ulit) oh sige ho. Salamat Aling Atang.
Mrs. M: oh.. nako Tony.. Hindi mo pala ako maaaring tawaging "Aling Atang".....
Tony: Ho?? Bakit naman?
Mrs. M: Ayaw kasi ni Kikay eh. Sabi niya mas civilized daw kung tatawagin akong "Mrs. Mendoza".
Tony: Ay ganun ho ba.. Sige Aling.. Este.. Mrs. Mendoza.
(Mrs. M. paalis na nang may maalala at humarap kay Tony)
Mrs. M: Ay oo nga pala Tony. About Kikay.... Hindi mo rin pala siya maaaring tawaging "Kikay". Ayawna ayaw niya yun!
Tony: E ano hong itatawag ko sakanya kung ganon?
Mrs. M: Francesca.
Tony: Fransisca?
Mrs. M: Hindi Francisca. Fran..CES..ca!
Tony: Pero bakit?
Mrs. M: Sa New York kasi, tawag sa kanya ay Fran-CES-ca. Ganun daw kung ibigkas ng mga Kano ang pangalan niya. At gusto niya ganun na din ang tawag sa kanya. Kasi sabi niya “it sounds so chi chi”, pang Italyana. At akalain mo ba namang napag kakamalan siyang Italyanang galing California sa pangalan niyang yun? Ah basta ha! Fran-CES-ca!
Tony: Opo Mrs. Mendoza.
Mrs. M.: O siya. Diyan ka lang at gigisingin ko na si FranCESca.
(biglang may kumatok)
Mrs. M.: Ay dios mio!
Tony: Ako na ho dun Mrs. Mendoza.
(pagbukas ng pinto)
SCENE 2:
Ang pagdating ni Totoy
Characters: Totoy, Tony, Mang Roger Tony opens door and Totoy steps in. Totoy is the same age as Tony and is more clearly a Tondo shiek.The one word that could possiblby describe his attire is “spooting”. Both boys extend their arms outwide on beholding each other.(si Totoy, maporma at mabango. Nagyakapan at nagkotongan ang isa't isa)
Totoy: TONY!!!
Tony: TOTOY!!!
Totoy: Anak ka ng tatay mo, kumusta ka na!!
Tony: ikaw kalabaw ka! Ikaw ang kamusta?
Mang Roger: Op! Op! Op! (nakatutok ang camera sa dalawa) kodakan ko muna kayo!!
Totoy: Mang Roger, kumusta po. (sabay mano sa kamay ni Mang Roger)
Mang Roger: I'm good! I'm good! Have a seat. (naupo ulit at nagkalikot uli ng kung ano anong gadget)
Totoy: Make way for the tondo boys! Bang! Bang! Bang! (habang kaakbay si tony at nagmamartsa)
Tony: Halika, o etong sigarilyo.
Totoy: (nakaupo. habang nagyoyosi) Teka. Akala ko nasa batangas ka ah?
Tony: Oo, eh nagpunta lang ako dito para bisitahin si Kikay.
Totoy: (as they light cigarette) Tony.. may mga nababalitaan ako na kung anu-anong nangyayari sa babaeng yun...
Tony: (*sigh*) hayy.. maski ako man.
Totoy: (pabulong) May iba nagsasabi na loka-loka na raw siya.
Tony: Di ah, pumunta lang ng New York.
Totoy: Eh, anong ginagawa niya dun?
Tony: Nag-aaral.
Totoy: Ng ano naman?
Tony: Hair culture and Beauty Science. Nagka-diploma na nga.
Totoy: Uy! Akalain mo nga naman! Ang mahal nating Kikay!
Mang Roger: Nako. Wag mong tatawaging Kikay yun at magagalit. FranCESca na siya ngayon.
Tony: Tsk.. tsk..
Totoy: franCESca?
Tony: Ang dating Miss Tondo, ngayo'y Miss New York na. Ang dating Kikay na mahal natin... Kana na ngayon!
Totoy: Kikay? Kana? HAHAHA wag ka ngang magpatawa! Dati lang nagbebenta lang yan ng puto samay kanto eh (sabay tayo at pabirong ginagaya si Kikay nung bata pa) "puto kayo jan! bili na kayo ng puto!"
Mang Roger: Hehehe gayang gaya! Naalala niyo ba nung tinulak niyo siya sa kanal noon!?
Totoy: OO! Hinabol pa nga niya kami ni Tony sa kahabaan ng kalye! Iba talaga kung makipaglaban ang babaeng yun. HaHaha(biglang may kumatok)
SCENE 3:
Ang pagdating ni Nena
Characters: Nena, Tony, Totoy, Mang Roger Knocking at door. Totoy goes to open it. Enters Nena. Nena is a very well-possessed young lady of 24.(binuksan ni Totoy ang pinto at nagliwanag ang mukha nang makita si Nena. )
Totoy: (Totoy widely opens his arms in delight while Nena pushes her away and embraces Tony)Nena, my love!
Nena: Hi Totoy! Uy, si Tony din! Anong meron? Kanto Boy Reunion?
Totoy: (following behind her) Nandito kami para batiin yung galing New York.
Nena: Ako rin! Nasaan Siya? Oh, Hi Mang Roger!
Mang Roger: (Tatango at nakayukong ngingiti kay Nena habang bising bisi kakalaro sa tablet. Tapos biglang tatayo.) Teka, alis na ako, mag-dadownload ng new games, at tsaka add me on facebook and follow me sa twitter pala?
Totoy, Nena, and Tony: (tatawa) Sige po!
Nena: Piling bagito naman tong si Mang Roger. San na ba siya?
Tony: Ginigising pa ni Aling Atang.
Nena: Ginigising? Tulog pa pala?
Mrs. M: (appearing in center doorway)No no no. Gising na siya. Nagbibihis. Good morning Nena, Good morning Totoy!
(Totoy and Nena are staring speechless. Mrs. Mendoza is carrying a vase in which she has arranged Tony’s flowers. She self-consciously walks into the room and sets the vase on the amidst a silence broken only by Totoy’s helpless wolf whistle)
Mrs. M: Totoy? Nena? Sabi ko Good Morning. Bakit kayo titig na titig sakin ng ganyan?
Totoy: e..e.. ikaw bay an Aling Atang?
Tony: Totoy, mas gusto niyang tawagin na Mrs. Mendoza.
Mrs. M: Naku Tony, hindi ako may gusto si Francesca lang. Salamat pala ditto sa mga bulalak, alam kong matutuwa siya. At ikaw naman Nena kung di ka pa titigil sa kakatitig ng ganyan eh kukurutin talaga kita.
Nena: (laughing) lagi mo nga akong kinukurot nung bata ako.
Mrs M: Eh panu, grabe ka kapilya dati, lage mong inaaway si Kikay. Lahat kayo pilyo at pilya. (She points Totoy) Lalo na ‘to, laging patagong pumunta sa likod-bahay at nanakawin ang mga bunga ng punong mangga ko.
Totoy: Nandiyan pa rin po ba yung puno mangga niyo?
Mrs. M: Oo, nasa likod.
Totoy: (jumping) Halika na Nena… nakawin nating ang mga mangga nila.
Mrs. M: ah.ah.ah… subukan mo lang. Ganun pa rin ako kabilis tumakbo tulad nung dati. Tignan lang natin kung di ko kayo mahuhuli at mahuhubarang ng pants.
Totoy: (gripping his pants) Ahhh.. naka-suot ako ngayon ng suspenders Mrs. Mendoza.
Mrs. M: Ikaw talagang bata ka, halika doon sa kusina.
Totoy: Bakit po, para hubaran?
Mrs. M: Loko mo talaga. Tutulungan mo ako para buhatin yung inihanda ko.
Nena: Aling Atang, wag nap o kayo mag-abalang manghanda. Di naman po kami bisita at busog pa naman po kami.
Mrs. M: Orange Juice lang naman. Ang ibang hinanda ko eh para kay Kikay. Di kasi kumakain tuwing umaga. Sabi nya, sa New York eh walang nag uumagahan. Halikana Totoy!
(Exit Mrs. Mendoza and Totoy. Left along, Nena and Tony are silent for a moment. Tony is seated, Nena stands behind the sofa.
SCENE 4:
Ang sikretong engagement ni Nena at Tony
Characters: Nena, Tony
Nena: ....
Tony: ........
Nena: Well.......?
Tony: Dapat hindi ka na nagpunta nagyon, Nena.
Nena: Hindi mo pa ba nasasabi kay Kikay???
Tony: .......Kinabahan kasi ako kagabi, Nena.
Nena: Hayyyyyy... Tony! Tony!
Tony: (naiiritang ginaya ang tono ni Nena) Hayyyyy... Tony! Tony! Nena naman! Saan ka nakarinig nglalaking binabawi ang engagement sa babae?? Ang hirap kaya nun!
Nena: (hingang malalim) *hay..* Sabihin mo sakin, mahal mo ba si Kikay o ako?
Tony: Siyempre ikaw ang mahal ko. at engaged rin ako sayo.
Nena: (bitter) PATI KAY KIKAY engaged ka rin.
Tony: Pero last year pa yun!!
Nena: IKAW TONY AH!!!! (galit sabay talikod)
Tony: (hinabol si Nena at niyakap) Nena.... alam mo namang ikaw ang mahal ko...
Nena: (hawak ang mukha ni Tony) Paano mo nagawang magpropose sakin nang engaged ka pa palasa iba?? Bakit mo pa ko pinahulog sayo gayundin namang engaged ka na! Sa kaibigan ko pa!
Tony: Hi.. hindi ko na rin kasi naisip.. Parang wala na rin naman kami ni Kikay simula nung umalissiya. Nag-propose ako sakanya bago siya magpuntang New York. At sabi niya itatago lang namin itoas a secret hanggat hindi siya bumabalik dito. Pero makalipas ang dalawang buwan, hindi na niyasinasagot ang mga sulat ko.. Kaya't inakala ko'y malaya na ako muli. I'm a free man!
Nena: (bitter) KAYA NAG PROPOSE KA SAKIN. GANON?
Tony: (nauutal-utal) uh... o..Oo..
Nena: (naiiyak na galit) PAGKATAPOS AY IHIHILING MO SAKIN NA ISIKRETO ANG ENGAGEMENTNATIN!!???
Tony: Only because nalaman kong babalik pala si Kikay!
Nena: Well, Tony.. PAGOD NAKO! Pagod na ko bilang isang SIKRETO LANG! Anong saya ng ma-engage sa taong mahal ko kung hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa mga tao!
Tony: Bigyan mo muna ako ng pagkakataong makausap si Kikay, Nena...
Nena: Sige.. Aayain ko si Totoy mamaya mag halo halo sa labas habang kakausapin mo si Kikay mamaya.
SCENE 5:
Kikay, the new Yorker
Characters: Nena, Totoy, Tony, Kikay, Mrs. M.
(Pumasok si Totoy na may tray sa ulo, mga baso at pistil sa tray)
Totoy: Puto! Puto kayo diyan. Bili na kayo ng puto!
Mrs. M: Makinig kayo, Nandyan na si Kikay pero mas gusto niyang tawagin sa pangalang Fran-CES-ca.
( Kikay appears.. From one hand she dangles a large handkerchief with which she keeps waving as she walks and and talks. In other hand she carries a very long cigarette holder with unlighted cigaretteaffixed.(dumating si Totoy.)(nagmamadaling dumating rin si Mrs. M.)
Kikay: Oh hello darling people!!(kaway, dramatically)Nena my dear…… But how cute you have become..(sabay beso sa magkabilaang pisngi ni Nena)and Tony, my little pal from the kanto… how are you? (She gives her hand to Tony) And Totoy… my, how ravishing you look! (She walks all around the apprehensive Totoy.) Goodness, you look like a Tondo Super production in Technicolor! But sit down everybody. Do sit down and let me look at you (her three visitors sit down. She sees the tray with glasses and pitcher on the table and throw her hands up in amused horror.) Oh mumsy! Mumsy!
Mrs. M: O ano nanaman ngayon?
Kikay: How many times I must tell you, never to serve fruit juices in water glasses?
Mrs. M: E hindi ko mahanap yung mga magagarang basong pinagbibili mo eh.
Kikay: Oh, poor li’l mumsy.. she is so clumsy noh? But never mind, don’t break your heart about it.Here sit down.
Mrs. M: Nako! Mamamalengke pa ko.
Kikay: Oh, don’t forget my celery, mumsy! I can’t live without it. I’ like a rabbit.... munch, munch allday!
Mrs. M: Sige, mauna na ko ha.
Kikay: Mumsy, mumsy!! a little bloom on the lips and cheeks! (referring to lipstick and blush on before going out)
Mrs. M: Kikay..?? Kailangan ko ba talaga? Mamamalengke lang naman ako.
Kikay: Ah-ah-ah mumsy! (nakapikit at di nakikinig kuno)
Mrs. M: Do i have to wear make-up just for the market, FRANSESCA?
Kikay: Poor mumsy! (laughing dramatically) she's quite a problem! (naglabas ng yosi, waving it) oh,does anybody have a light?(Sinindihan ni Totoy)
Kikay: Merci!
Totoy: Ha?
Kikay: I said, Merci. That means Thank You.. in French!
Totoy: oh! (patawang sinabi) Merci!
Nena: Magkuwento ka naman tungkol sa New York!
Kikay: OHhhh! New york! New York!
Tony: Gaano ka ba katagal doon?
Kikay: (tuwang tuwa) 10 months, 4 days, 7 hours and 21 minutes!!
Totoy: (pabulong sa mga kasama) at hanggang ngayon nandun parin siya... (sabay irap)
Kikay: (with emotion choking her voice) Yes, I feel as if I was still there, as though I had never left it, as though I lived there all my life.But I look around me(she bitterly looks at her gaping visitors) and I realized that wala, wala, wala ako doon.Wala ako sa New York , I’m here, here! (she rises abruptly and goes to window where she stands looking out.) I’m home they tell me…home! But which is home for me, this cannot be home because here, my heart aches with homesickness.. Ahh, New York! My own dear New York! (She is silent a moment, looking across the horizon, in her arms crossed over her breast. Her visitors glance uneasily at each other.)
Nena: (to others) Boys! Sa tingin ko’y di dapat tayo nandito.
Tony: Dahan-dahan na tayong umalis.
Nena: (with languishing gesture) at iwanan natin siyang mag-isa sa kanyang mga alaala.
Tony: (glancing at entranced Kikay) Siya pa ba yong dati nating kasamang lumangoy sa maputik na tubig?
Totoy: (crossing his arms over his chest) Ah, New York! My own dear New York!
Kikay: (whirring around, interrupted) Listen… oh listen! Nagyon, sa New York, ay panahon ng tagsibol.. It’s spring inNew York! The daisies are just appearing at Central Park and out in Staten island, the grass is green again. (With a little fond laugh) Oh, meron nga kaming funny custom in New York,…an old, old and very dear custom. Sa tuwing darating ang Spring of the year lahat kami ay pupunta sa napakatandang puno papaba ng Battery. And we New Yorkers call it, “Our Tree”. Bumababa kami doon to watch its first green leaves coming out. In a way, ang punong iyon is our symbol for New York…. Undying, immortal, forever growing, and forever green! (She laughs and makes an apologetic gesture.) But please, forgive me! Nagiging sentimental. Hinding-hindi niyo maiintindihan this emotion I feel for our dear old tree over there in New York.
Nena: Oh, pero naiintindihan kita. Ganyan din nadarama ko about “our” tree.
Kikay: (blankly) Tungkol sa anong tree?
Nena: Our Mango tree, Kikay. Nalilimutan na ba ang tungkol dun? Nung ikaw at ako ay laging umaakyat at pitasin ang mga hilaw na mangga. Tapos dadating yang dalawang pilyo para yugyugin ang mga sanga hanggang sa tayo’y mahulog!
Totoy: Minsa’y nahuli nga ako ni Aling Atang at hinubad pababa ang suot kong shorts.
Tony: Nandun din ako, at muntikan na akong mahulog sa sobrang kakatawa,
Nena: At sigaw ng sigaw si Totoy ng “ salawal ko, akin na salawal ko!”
(They are all shaking with laughter except Kikay who is staring blankly at this.)
Kikay: Teka, teka muna, what is this puno you’re talking about?
Nena: Our mango tree, Kikay. Yung nasa likuran niyo.
Kikay: (flatly) Oh, that tree…
Tony: Bakit Kikay, may problema ba? Wala ka bang nararamdaman sa punong iyon tulad sa puno dun sa New York?
Kikay: (tartly) Of course not!!
Tony: Bakit?
Kikay: Ang layo-layo lang nila. This silly old mango tree, it doesn’t awaken any memories in me at all.
Nena: (tatayo) Well, it does… for me. At maraming-maraming masasayang alaala. Kaylangan ko nga talagang pumunta sa backyard and say hello to it. (Imitating Kikay’s tone and manner) Alam mo Kikay, dito sa Tondo, meron nga kaming funny custom,..an old, old and very dear custom. Pumupunta kami dun sa sinabi mong “SILLY” old mango sa likod-bahay niyo. At para sa amin na taga-Tondo, ang punong iyong is “our” tree. In a way, it is a symbol……
Kikay: (in amused despair) Oh, you people don’t intindi mo at all@
Tony: Of course not! Di pa kami nakapag-New York.
Kikay: Duh! That’s it exactly. Hindi niyo talaga maiintindihan until you’ve been to New York. And that tree of ours over there…it doesn’t stand for kid stuff and childish foolishness.
Tony: Mas gusto ko pa rin ang puno natin ditto sa Tondo.
Totoy: And, I second the motion.
Nena: Ako din!
Kikay: Oh! Ang pa-funny niyo talaga!
Nena: Kelangan kong puntahan ang puno natin para mag-hello. Okay lang ba sayo, Kikay?
Kikay: Of course my darling. Puntahan mo.
Nena: Totoy, sasamahan mo ko.
Totoy: Hanggang sa dulo ng mundo!
Nena: (in the Kikay manner) No darling, just out to our dear little backyard.
Totoy: (acting up too) Oh, likuran ng Tondo, sa mga barong barong ng Maypaho, ang kalye ng Sibakong….
Nena: Hoy loko!! Sasama kaba o hindi?
Totoy: Anywhere dream girl. Kahit saanman. (exit ang dalawa)
SCENE 6:
Ang engagement ni Tony at Kikay at ang pag tutol ni Kikay
Characters: Tony, Kikay(exit ang dalawa)(naiwan si Tony at Kikay)
Kikay: Haha! Totoy talaga... still has that mad crush on Nena as ever. Poor boy.. Tony.. what are you looking so miserable about?
Tony: Kikay.... Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan to..
Kikay: Call me FRANCESCA, that's a good start.
Tony: May dapat akong sabihin sa’yo. Napakahalaga ito.
Kikay: Oh Tony.. Can't we just forget it nalang??
Tony: FORGET???
Kikay: That's the New York way. Forget, nothing must ever get too serious; nothing must drag on too long. Tonight, give all your heart, tomorrow, forget. And when you meet again, smile and shake hands.. just good sports!
Tony: Ano bang pinagsasabi mo???
Kikay: Tony.. bata pa ako noon..
Tony: Kelan????
Kikay: Nung... we got engaged.. Nagbago na’ko ngayon, Tony.
Tony: Isang taon pa lang ang lumipas.
Kikay: To me, it seems a century. Marami na mga nagbago sa’kin. I become a completely different person. More can happen to you in just one year in New York. Alam mo bang, I feel as if I’ve always lived in there. NUng unang dating ko pa lang, I felt I had come home at last. It’s my real home. New York is my home.
Tony: Makinig ka, ayoko nang pag usapan ang tungkol sa New York. Nais ko’y pag usapan nalang natin ang tungkol sa’ting engagement.
Kikay: And that’s what we cannot do Tony. Not anymore.
Tony: At bakit ‘di pwede?
Kikay: Tony, you got engaged to a girl named Kikay. Well, that girl doesn’t exist anymore. Patay nasiya! The person in front of you now is FRANCESCA! Don’t you see, Tony, I’m a stranger and I feel so much older than you. I’m a woman of the world, you are only a boy. I hate to hurt you Tony but imagine, a New Yorker, marrying a Tondo Boy!!! THAT'S INSANE!
Tony: Hindi ako nagpunta dito para mainsulto nang ganito...!!
Kikay: Hush! Tony! Hush! Don’t shout, don’t lose your temper. It’s so uncivilized. People in New York don’t lose their temper.
Tony: ANONG GUSTO MONG SABIHIN KO? NGUMITI AT MAG PASALAMAT SA MGA SINABI MO?Wow, merci ma'daam!
Kikay: Yes, Tony. Be a sport. Let’s smile and shake hands, and be just friends, huh? That’s the New York way, find another girl. You’ll fine somebody else…someone more proper for you.
Tony: Kung hindi ka lang babae........Baka.. (himas himas ang mga kamao at bumebwelo)(sabay dating nila totoy at nena)
SCENE 7:
Climax of the story
Mag aaway ang apat.
Characters: Tony, Totoy, Kikay, Nena sabay dating nila totoy at nena)
Totoy: OPS!! TONY!! BABAE YAN!!
Nena: Anong kaguluhan ito?
Kikay: Oh nothing! Nothing at all..
Totoy: Anong pinag aawayan nyo?
Kikay: Hindi kami nag aaway.. We just decided to be good friends and nothing more.
Nena: Tony, totoo ba to?
Tony: OO!!
Nena: PWEDE NA NATIN SABIHIN KUNG GANUN!
Kikay: Tell us what?
Totoy: Ano bang nangyayari dito!? (titig kay nena)
Nena: Ako at si Tony ay engaged na.
Kikay: (tumayo) Engaged!!
Totoy: (at the same time) ENGAGED!?
Nena: Yup! Isang buwan na kaming engaged!
Kikay: ISANG BUWAN!?!?!? Why you.... you...... (galit)
Tony: (backing off) Sinubukan kong sabihin sa’yo kanina Kikay… Sinubukan ko…
Kikay: You unspeakable cad!!
Nena: HOY! Wag mong pagtataasan ng boses ang Fiance ko!
Kikay: He's not your fiance! (sabay hila kay tony)
Nena: Oh no!!At bakit???(hila kay tony)
Kikay: Because, he was still engaged to me when he got engaged to you!
Nena: Pwes, hindi na ngayo, kakasabi mo lang sa sarili mo.
Kikay: Ahh, pero walang akong alam tungkol dito. Itong pang-aahas niyo. Oh, the shame of it! Getting engaged to you when he was still engaged to me! Do I look like a kind of girl who’d let a man jilt her! (MOVING TOWARDS TONY) Oh, napakahayop mo!
Tony: Now remember, Kikay… it’s so uncivilized to lose one’s temper. People in New York don’t lose their temper.
Kikay: I’ve never felt so humiliated in all my life!! You beast, I’ll teach you!! (habol kay tony, galit nagalit)
Nena: (hinarang si Kikay) SINABIHAN NA KITA WAG MONG HAHAWAKAN ANG FIANCE KO!
Kikay: And I tell you he’s not!! He’s engaged to me until I release him.. At ‘di ko pa siya pinakakawalan.
Nena: HOY! Mahiya ka nga sa sarili mo!! Mukha ka tuloy aso na ‘di marunong lumugar.
Kikay: Mas mahiya ka sa sarili mo!! Stealing my man behind my back!! AHAS!!
Nena: (sasabog na) Ano? Anong sabi mo?
Tony: (didistansya) Totoy, awatin mo sila!
Kikay: (Sinusubukang awatin ni Totoy si Kikay) WAG MO KONG PAKIALAMAN O UUMPOG KO YANG ULO MO SA PADER!!
Totoy: Naku, lumabas rin ang pagka Tondo!
Nena: BITCH!
Kikay: MAN EATER!
(sinapak ni Kikay si Nena.. Sinapak rin ni Nena si Kikay at napalakas at tumilapon si Kikay.)
Tony: Nena ano ba?
Nena: ANO!? Hindi mo ba nakitang ako una niyang sinapak?(ihiniga ni Totoy si Kikay sa sofa)
Tony: Tignan mong ginawa mo sa kanya!
Nena: PINAGTATANGGOL MO BA SIYA?? KAHIT KELAN HINDI MO KO PINAGTANGGOL!
Tony: SHUT UP!!
Nena: I hate you! I hate you!!
Tony: Tumahimik ka kundi makakatikim ka sakin!(hawak ang braso ni Nena)
Totoy: (iniwan si Kikay. si kikay nagigising gising na) HOY! Wag mong kakausapin ng ganiyan si Nena!
Tony: Wag kang makikealam dito!
Nena: Buti pa si Totoy. Ipinagtatanggol ako. (iyak)
Totoy: Bitawan mo si Nena!
Tony: Wag kang makialam sabi eh!(sasapakin dapat ni Tony si Totoy, naunahan lang ni Totoy at tumilapon si Tony)
Nena: Oh Totoy! You saved me!(pinuntahan agad ni Kikay si Tony)
Kikay: (nakaluhod kay Tony) Tony.... Gising Tony!!
Tony: Wag mo kong hahawakan!(tumayo si Kikay iniwang nakaupo sa sahig si Tony)
Nena: Umalis na tayo dito Totoy!
Totoy: Siya parin ba ang Fiance mo? (sabay turo kay Tony)
Nena: I hate him! Ayoko na makita ang pagmumuka niya kahit kailan!
Totoy: MABUTI. Halikana.
Tony: HOY!
Nena: Wag mo akong kakausapin, bastardo!
Tony: Hindi ikaw ang kausap ko!
Totoy: At wag mo rin akong kakausapin. Ininsulto mo ang babaeng mahal ko.
Nena: Oh Totoy... Bakit hindi mo sinabi sakin?
Totoy: O ngayon alam mo na.
Tony: CONGRATS! (inis)
Nena: Halikana, darling. At ayoko ang amoy sa lugar na to.
SCENE 8
ang pagbabalik ni Kikay. At ang pagbati ng dalawa.
Characters: Tony, Kikay(wala na sina Totoy at Nena)(Kikay at Tony- tahimik..)
Tony: Masaya ka na ba Kikay? Sinira mo buhay ko.
Kikay: Sinira ko buhay mo??? IKAW ANG SUMIRA NG BUHAY KO! Don't you dare touch me, youCANTO BOY!!
Tony: WAG KANG MAG ALALA. Hindi ko na magagawang lapitan ka man lang kahit kailan. Sampungbuwan… SAMPUNG BUWAN at nakalimutan mo agad mga tunay mong kaibigan!
Kikay: YES! 10 months it is..! At anong ginawa mo!? Nung engaged tayo nangako kang magiging totoo.. nangako kang hihintayin mo ko. Balimbing!
Tony: Aba anong iniiyak iyak mo jan? Be brave! FORGET! Ganun sa New York diba? Nothing must eeeever be too serious.
Kikay: Oh Tony! PLEASE! PLEASE!
Tony: Isa pa, imagine mo nalang a NEW YORK GIRL, marrying a TONDO BOY!!
Kikay: Oh tony... patawarin mo na ako, Tony.. Nagpakatanga ako!
Tony: Okey lang yun! Buti nga nakilala ko pa ang tunay na kikay eh.
Kikay: Oh tony... Mali ka!! Hindi ako yun.... Si Francesca ang nagsabi ng lahat ng iyon. Wala na si Francesca, Tony. Ang babaeng nasa harap mo ngayon ay si Kikay.
Tony: ...
Kikay: Tony... Ako si Kikay! Naaalala mo pa ba?
Tony: Sa aking pagkakaalam, fiance ko dati yung si Kikay.
Kikay: TAMA! At hanggang ngayo'y engaged parin kayo, Tony!
Tony: Welcome home, Kikay!! Kumusta byahe?
Kikay: HORRIBLE, Tony! Hindi ako makapag hintay na makauwi!
Tony: Bakit hindi mo sinasagot mga sulat ko?
Kikay: Ayaw ako payagan ni Fransesca, Tony.
Tony: Ang babaeng yon...... Buti nalang wala na siya!(dadating si Mrs. M bigla sabay tawag kay Kikay)
SCENE 9
closing- kakauwi lang ni Mrs. M. galling palengke at walang malay sa kaguluhangnangyari kanina lang
Characters: Kikay, Tony, Mrs. M, Mang Roger (dadating si Mrs. M bigla sabay tawag kay Kikay)
Mrs. M: Oh Frances.... O! Tony! Nandito ka pa pala? Nako Francesca.. Wag kang magagalit ha.. Wala akong mahanap na Celery sa palengke eh!
Kikay: Ok lang nay! Hindi naman ako mahilig sa Celery eh.
Mrs M: Hindi mahilig?? Kanina lang sabi mo hindi mo kayang mabuhay without it.
Tony: Si Francesca ho yun, Aling Atang. Patay na ho si Francesca. Si Kikay hu yang kausap niyo..
Mrs. M: Francesca, Kikay--iisa lang yun eh!
Kikay: Hinde, nay. Hindi ako si Francesca. Ako si Kikay!
Mrs. M: Dios mio, aywan ko sa inyo!
(sinaksak ni Mang Roger ang iPod sa speaker at nagpatugtog ng kanta)
Mang Roger: Nako, paborito ko tong kantang to ah. Snoop Dogg to noh?
Kikay: Yang kantang yan... unang narinig ko yan sa New York.
Tony: Ops!
Kikay: Sorry, mahal. Maaari ba kitang isayaw?
Tony: (Bowing) Ikinagagalak ko!(the end)